Pamilya- ito ang pinakamaliit na sangay ng lipunan. Maaari rin magsangay dito ng pamahalaan. Ang mga magulang ang gobyerno o pamahalaan at ang mga anak ang mamamayan. Dapat natin tandaan na kailangan pa din sumunod nating mga anak sa ating mga magulang dahil wala pa naman tayong sariling kabuhayan.
- ang pamilya ay binubuo ng ama, ina, at mga anak.
- ang pamilya ay binubuo ng ama, ina, at mga anak.
(source of picture: http://1dprefereceswinkwink.tumblr.com/)
Layunin ng Isang Pamilya
Madaming layunin ang pamilya, isa na dito ang pangalagaan ang kanilang mga anak at bawat miyembro nito. Layunin ng isang pamilya ang matugunan ang pangangailangan ng lahat sapagkat sila ang bumubuo sa isang komunidad. Kung walang pamilya, walang lipunan. Kailangan mabigyan ng sapat na atensyon ang kakulangan sa pamilyang Pilipino sa aspetong responsableng parenthood at family planning. Nararapat lamang na makabuo ng isang pamilya na may sapat na kakayahang magtaguyod ng mga responsable at may takot sa Diyos na indibidwal.
Ano nga ba ang kontribusyon nito sa lipunan?
Kung ating titignan, madaming kontribusyon o naitutulong ang ating mga pamilya sa lipunan. Ang pamilya ay isa sa mga pinakamahalagang sangay ng lipunan. Ito ay may ginagampanang malaking responsibilidad. Una, ang ating mga magulang ang ating mga unang guro. Tinuturuan nila tayo kung paano mag-sulat, mag-salita, tinuturuan din nila tayo ng mga tamang asal. Ang pamilya ay may epekto sa pisikal at emosyonal na kaanyuan ng bawat indibidwal. Halimbawa, kung laging wala ang ating mga magulang malaki ang posibilidad na tayo ay mapariwara dahil walang nagbibigay ng tamang gabay sa atin. Kung nandiyan ang ating mga magulang, mayroon tayong masasabihan ng ating mga sikreto at tayo ay magagabayan nila ng wasto. Pamilya ang nagbibigay proteksyon at kaligtasan sa kanilang mga anak. Nararapat lamang na magmahalan ang bawat isa sa mag-anak. Ang pamilya ang nag-aalaga sa mga susunod na lider na mamamalakad sa ating bansa sa kinabukasan. Kung walang pamilya, maaaring ang bawat indibidwal ay walang makakain na maayos o sila ay magiging malnourished, walang maayos at malinis na tirahan.
Ano ang nakikitang mga tunguhin nito sa kasalukuyan?
Sa panahon ngayon, mas pinipili ng mga pamilya na tumungo o manatili na lamang sa kani-kanilang mga bahay. Naging madalang na ang pagpunta ng mga pamilya lingo-lingo sa mall at parke. Mas pinipili na lamang nilang manatili sa bahay dahil mas praktikal ito sa panahon ngayon. Nakakabawas ito sa napagtitibay ng samahan ng pamilya dahil sila-sila lamang ang magkakasama.
Sa kasalukuyang panahon, madaming hinaharap na isyu ang mga pamilya. Isang halimbawa na lamang ang usapang diborsyo. Sa panahon ngayon, madami nang mag-asawa ang nagnanais na maghiwalay dahil sa madaming rason. Mga rason gaya ng pangangaliwa ng babae o lalake, misunderstanding, kulang na ang oras para sa family bonding o sadyang wala na ang kanilang pagmamahalan sa isa't-isa. Ano na lamang ang magiging epekto nito sa kanilang mga anak? Kung ako ang inyong tatanungin, hindi ako sumasang-ayon sa diborsyo dahil dumaan kayo sa isang mahiwagang proseso. Pinangakuan ang isa't isa na magsasama kayo hanggang kamatayan. Ikaw, sang-ayon ka ba sa diborsyo?
Hindi lamang iyan ang isyu ngayon. Meron din ang RH bill o Reproductive Health Bill. Madaming sumasang-ayon, mayroon ding hindi sumasang-ayon. Isa itong mainit na usapin o debate ngayon. Ngunit ano nga ba ang RH bill? Upang kayo'y maliwanagan, ang RH bill ay hindi pa naipapatupad na batas ng ating bansa sapagkat maraming hindi pabor katulad na lamang ng Pro-Life Philippines, National Coalition for Family and Life, Abay Pamilya, Philippine Nurses Association at lalung-lalo na ang Roman Catholic Church. Pinaniniwalaan kasing makakasira ito sa mga pamilya. Ngunit kung ito ay maipapatupad, ito ang kauna-unahang batas ng Pilipinas na naghahangad ng pagbawas ng populasyon upang tumaas muli ang ekonomiya ng bansa. Alam kong gusto natin ng pagbabago at sinisumulan na nila sa batas na ito, ngunit pabor ka ba sa RH bill?